Sen. Trillanes, hindi kumbinsidong akma sa Customs si PDEA Chief Isidro Lapeña

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV walang maasahan na may magagawang mabigat na pagbabago sa Bureau of Customs si retired Gerenal Isidrio Lapeña.

Diin ni Trillanes, walang nagawa si Lapeña na extraordinary bilang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Naniniwala si Trillanes, na hindi rin mareresolba ni Lapeña ang talamak na smuggling at korapsyon sa BOC.


Sa tingin pa ni Trillanes, ang appointment kay Lapeña sa Customs ay pa-consuelo de bobo lang na bahagi ng gimmick para mapakalma ang taongbayan.

Matindi kasi aniya ang namumuong galit ngayon mula sa mamamayan dahil sa tumataas na bilang ng napapaslang sa anti-drug police operations kung saan isa sa mga biktima ay ang grade 11 student na si Kian delos Santos.

Facebook Comments