Sen. Warren, kakalabanin si Donald Trump sa 2020 Presidential elections

72

Nagpahayag na ng kagustuhang tumakbo si U.S. Senator Elizabeth Warren sa November 2020 Presidential elections.

Bunsod nito, si Warren ay ang magiging representante ng Democratic Party at kakalabanin nito si U.S. President Donald Trump na pambato naman ng Republican.

Bumuo na si Warren ng exploratory committee para makapagsimula sa paglilikom ng pera sa kaniyang kampanya.

Nagmula ang 69-anyos na pulitiko sa Massachusetts at senador na simula 2013.

Isa si Warren sa mga matatapang na kritiko ni Trump sa kasagsagan ng 2016 Presidential race.

Facebook Comments