Sen. Win Gatchalian, “most qualified” na maka-tandem ni Mayor Sara sa 2022 elections

188

Binansagan si Senator Sherwin “Win” Gatchalian bilang “most qualified” na maging bise presidente sakaling magdesisyong tumakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Naniniwala kasi ang mga tagasuporta ni Gatchalian na magagamit nito ang kaniyang magandang record bilang local chief executive kung siya ang mahahalal na pangalawang pangulo ng bansa.


Bagama’t wala pang desisyon, patuloy na dumarami ang mga taong sumusuporta sa tambalang “Kay SARA, WIN tayo!”

Una nang nagpahayag si Gatchalian ng kahandaang tumakbo sa vice presidential post pero hindi rin niya isinasara ang posibilidad na magbalik-senado.

Facebook Comments