
Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, may deadlock ngayon sa pagitan ng Senado at Kamara ukol sa panukalang umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa pribadong sektor.
Sabi ni Brosas, nagmamatigas kasi ang Senado sa ipinasa nitong panukala na P100 na daily minium wage increase habang P200 naman ang isinusulong ng Kamara.
Pakiusap ni Brosas sa dalawang kapulungan, huwag nang mag-aksaya ng oras para maipasa na ang panukalang legislated wage increase.
Una rito ay sumulat kay Senate Committee on Labor Chair Sen. Joel Villanueva si House Committee on Labor and Employment Chairman Rep. Fidel Nograles para agad i-convene ang Bicameral conference committee upang plantsahin ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara ng Wage Increase Bill.
Babala ni Nograles, kapag hindi naisabatas ang panukalang taas sa sahod ay milyun-milyong mga manggagawang Pilipino ang mawawalan.