Senado, inabisuhan na ang Kamara para sa pagsisimula ng impeachment process ni VP Sara

Pormal nang nag-abiso si Senate President Chiz Escudero sa Kamara na magco-convene na ang Senado bilang impeachment court sa June 3, 2025 para simula ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Sa ipinadalang liham ng Senado kay House Speaker Martin Romualdez na may petsang Mayo 19, salig sa kanilang rules of procedures on impeachment trials, handa na ang Mataas na Kapulungan sa June 2 (araw ng pagbabalik-sesyon), alas-4:00 ng hapon, para tanggapin ang panel of prosecutors ng Kamara.

Inaasahan ni Escudero na sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ay babasahin na ng prosekusyon ang pitong kaso na nakapaloob sa articles of impeachment na isinampa laban sa bise presidente.

June 3 naman, ganap na alas-9:00 ng umaga, ay sisimulan na ng Senado na mag-convene bilang impeachment court para makapag-isyu ng summons at iba pang kautusan.

Nakasaad pa sa liham ni Escudero na copy furnished o pinadalhan din ng kopya nito si VP Sara.

Facebook Comments