Senado, mabagal na kapulungan – Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ni Senator JV Ejercito ang pagtawag ni House Speaker Pantaelon Alvarez sa senado bilang mabagal na kapulungan.

Sabi ni Alvarez, masisipag ang mga congressmen at maraming naipapasang panukalang batas na hindi agad nabibigyang atensyon ng Senado.

Giit ni Senator Ejercito, hindi totoo na makupad ang Senado na umaksyon sa mga nakahaing panukalang batas.


Sa kanyang tweet, ay binigyang diin ni Ejericto, na ang Senado ay nag-iisip, nag-aaral at responsableng kapulungan.

Facebook Comments