Tuesday, June 9, 2026

Senado, magpapatupad ng WFH arrangement sa June 10 at 11 sa gitna ng banta sa seguridad sa Mataas na Kapulungan

Nagbaba ng advisory ang tanggapan ni Senate President pro-tempore Win Gatchalian na magpapatupad ng work-from-home arrangement para sa mga empleyado simula bukas, June 10, hanggang sa Huwebes, June 11.

Ito’y sa gitna na rin ng pagpapatupad ng heightened security measures at preventive safety protocols sa Senado kasunod ng natanggap na impormasyon ni Gatchalian mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na may banta sa seguridad sa Mataas na Kapulungan.

Inaatasan ang lahat ng Senate Secretariat at Senate employees na mag-work-from-home para bigyang-daan na rin ang pagsasagawa ng security assessment, inspections at iba pang precautionary measures sa loob at labas ng Senado sa gitna ng banta.

Idiniin sa advisory na pinakaprayoridad ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng empleyado sa Senado.

Inaatasan naman ang bawat heads ng opisina na tiyakin ang pagpapatuloy ng operasyon sa pamamagitan ng remote work arrangements.

Ang mga kailangang mag-report on-site sa Mataas na Kapulungan ay pinagsusumite naman ng pangalan sa Office of Sergeant-at-Arms.

Facebook Comments