Senado, nag-isyu na ng show cause order laban kay Ambassador Markus Lacanilao

Nag-isyu na si Senate President Chiz Escudero ng show cause order laban kay Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao.

Ito ay para pagpaliwanagin si Lacanilao kung bakit hindi siya dapat ipa-cite in contempt ng Senado dahil sa umano’y pagsisinungaling sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binibigyan ng limang araw si Lacanilao na sumagot sa show cause order kung saan tinukoy rito ang mosyon na cite-in-contempt ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Inatasan naman ni Escudero ang Office of the Sergeant-at-Arms na mag-report sa Office of the Senate President sa loob ng 24 oras matapos isilbi ang show cause order kay Lacanilao.

Matatandaang pinalaya kagabi ng Senado si Lacanilao at iginiit dito ni Escudero na hindi nakasunod si Senator Imee Marcos sa requisite approval at due process sa pag-iisyu ng contempt order.

Facebook Comments