
Nakatanggap ang liderato ng Senado ng banta sa seguridad na maaaring mangyari sa Mataas na Kapulungan.
Ayon kay Senate President pro-tempore Win Gatchalian, ang impormasyon ay nanggaling sa National Bureau of Investigation (NBI) subalit hindi lamang niya ma-disclose o maisapubliko kung ano ang bantang nakuha sa Senado.
Ipinasa na rin ang naturang impormasyon sa mga kasamahang senador upang mapag-ingat hindi lang ang mga mambabatas kundi pati ang mga empleyado sa kapulungan.
Dahil dito, kung noong una ay mahigpit na, mas pinahigpit pa ang seguridad sa loob at labas ng Senado.
Sinabi ni Gatchalian na nag-adjust sila ng security efforts.
Mas madalas ngayon ang pag-iikot ng K-9 at bomb sniffing dogs at pinadagdagan din ng mga pulis sa loob ng gusali.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatapos ang tensyon na mula naman sa mga paksyon ng Gatchalian bloc at ni Senate President Alan Peter Cayetano.










