Senado, obligasyon pa ring ituloy ang impeachment trial laban kay VP Sara sa kabila ng alok na reconciliation ni PBBM sa mga Duterte

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na obligasyon pa rin ng Senado na ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kahit pa nagpahayag si Pangulong Bongbong Marcos ng kahandaan na makipagkasundo kay Vice President Sara Duterte.

Punto rito ni Hontiveros, ang reconciliation ni PBBM sa mga Duterte ay labas sa proseso ng impeachment lalo’t ito ang demand sa kanila sa ilalim ng Konstitusyon.

Sinabi ng senadora na na-i-transmit na ng Kamara ang articles of impeachment sa Senado at kahit sa gitna ng kampanya ay may mga nasimulang preliminary steps para sa paghahanda sa impeachment tulad ng pagpapatahi ng robes sa mga senator judge at maging si Senate President Chiz Escudero ay sumasagot patungkol sa mga katanungan ng proseso ng impeachment.

Hindi naman nababahala si Hontiveros na maaapektuhan ang kanilang mga desisyon lalo na ang sinasabing posibleng mapawalang-sala si VP Sara dahil sa bagong komposisyon ng Senado sa 20th Congress kung saan papasok naman ang Duterte Bloc.

Naniniwala ang senadora na magiging pahirapan ito dahil ilalaban ng mga senator judges ang kanilang mga boto at umaasang magiging neutral silang lahat at ibabatay ang kanilang mga boto sa conviction o acquittal kay Duterte base sa mga ebidensyang ipiprisinta.

Facebook Comments