Saturday, November 14, 2026

Senado, pinatitiyak sa DepEd na hindi maaapektuhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa gitna ng epekto ng Super El Niño

Pina-aagapan ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi maaapektuhan ng banta ng Super El Niño ang kakayahang matuto ng mga mag-aaral.

Iginiit ni Gatchalian na kailangang tiyakin ng Department of Education (DepEd) na hindi uurong ang kaalaman ng ating mga mag-aaral dahil palalalain nito ang krisis natin sa edukasyon.

Hinikayat ng Senate president ang DepEd na tiyaking itataguyod ng mga El Niño protocol nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral nang hindi pinalalala ang learning loss.

Sa halip na blanket suspensions, binigyang-diin ni Gatchalian na dapat localized ang pagsuspinde ng klase.

Babala ni Gatchalian, maaaring magpalala sa learning loss at magpalubha sa krisis sa edukasyon ang malawakang suspensyon ng mga klase.

Kamakailan, inilunsad ng DepEd ang 4H Framework na magsisilbing gabay sa pagsususpinde ng mga learning activity sa gitna ng banta ng El Niño kung saan sususpindehin ang lahat ng physical at home-based learning activities kapag umabot sa 42°C o mas mataas ang heat index.

Conde Batac, RMN Manila

Facebook Comments