
Humanga si Senate President Chiz Escudero sa pagpapakumbaba ni Pangulong Bongbong Marcos sa naging resulta ng eleksyon at ang apela nito na isantabi na ang politika.
Kaugnay na rin ito sa naging pahayag din ni Pangulong Marcos na bukas siyang makipagkasundo kay Vice President Sara Duterte at sa pamilyang Duterte.
Ayon kay Escudero, sangayon siya sa panawagan ng presidente na ngayon ay pagtuunan na ng pansin ang pangangailangan ng taumbayan.
Aniya, ipinakikitaa ng resulta ng halalan na ang mga kababayan ay pagod na sa awayan sa pamahalaan at ang nais nila ay gobyernong nakasentro sa pangangailangan ng mga mamamayan at hindi basta apektado ng drama na dulot ng gulo sa politika.
Punto pa ni Escudero, malinaw ang naging mensahe ni PBBM na hindi dapat sinusunog ang tulay na nag-uugnay sa gobyerno at dapat na magkaisa, mas maging maayos at magtulungan para sa ikabubuti ng buong bansa.