
Aminado si Senador Jinggoy Estrada na laging nandyan ang pressure sa mga mambabatas
Sagot ito ni Estrada sa tanong kung may sumubok bang kausapin siya para tumawid sa kabilang grupo o sa minority at gawing panakot ang isyung kinakaharap tulad ng flood control projects.
Sinabi naman ni Estrada na hindi niya alam kung ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan siya kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects ay may kinalaman sa kanyang naging boto sa Senate Presidency.
Matatandaang naunang isiniwalat ni Senate President Alan Peter Cayetano na may mga kumakausap at pananakot sa mga majority members para mapalitan siya sa pwesto at lumipat ng minorya.
Maski si Senator Imee Marcos ay isiniwalat na ilang kasamahan sa bagong majority bloc ang inalok ng insentibo at binantaan ng kaso kung hindi kakalas at hindi sasali sa pag-agaw sa pamunuan ng Senado.










