Senador Grace Poe, suportado ang tower sharing police ng DICT

Nagpapasalamat si Senator Grace Poe sa paglalabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng circular na gumagarantiya sa inclusive cell tower policy.

Umaasa si Poe, na magbubunga ito ng pag-usad ng connectivity sa ating bansa na inaasahang magiging daan sa pagpapalawig ng mga oportunidad para sa mga mamamayan.

Diin pa ni Poe, kailangang-kailangan ito ngayon para sa online learning sa gitna ng pandemya.


Ang tower sharing ay isang paraan para matugunan ang pangangailangan sa mas maayos, malawak, at mabilis na internet service sa bansa.

Facebook Comments