
Kinalampag ni Senator Imee Marcos ang pamahalaan sa patuloy pa ring paghihirap na nararanasan ng mga magsasaka ngayong buwan ng National Rice Awareness Month.
Pagtataka pa ng senadora, kung ito ba talaga ay pagdiriwang ng Rice Awareness Month o pagpapatuloy lang ng Halloween para sa mga magsasaka.
Tinukoy ng senadora na sa sobrang hirap ng kalagayan ng mga magsasaka sa bansa hindi na palay ang inihihingi ng tulong para maibenta kundi lupa na.
Nananatili pa rin kasi aniyang lugi ang mga magsasaka kahit anong pagsisikap nila at hindi rin nararamdaman ang epekto ng mga batas na dapat sana’y tutulong sa kanila.
Pinaaamyendahan ni Sen. Marcos ang Agricultural Tariffication Act dahil hindi maayos ang implementasyon ng batas at tanging mga middlemen at traders ang nakikinabang sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa halip na mga magsasaka.
Bukod dito, isinusulong din ng mambabatas ang Minimum Wage for Farmers sa paniniwalang ito ang tunay na kailangan ng mga magsasaka.









