Senador, itinangging may blangkong item sa 2025 budget

Walang nakitang blangko na item sa nilagdaang 2025 national budget na bicameral committee report si Senator Joel Villanueva.

Ayon kay Villanueva, kung may blangkong item man sa pambansang pondo, ito ay maaaring lumpsum.

Posible aniyang may numero ito pero walang item kung saan ilalagay o sa ibang salita, hindi itemized at mahirap paniwalaan na may blangko dahil hindi ito mai-ta-tally.


Hindi rin aniya maaaring ipasa ang isang batas kung ito ay blangko.

Kung kukwestyunin ang constitutionality ng budget, iginiit ni Villanueva na dapat ang pagbatayan ay ang inaprubahang General Appropriations Act at hindi ang bicam report.

Facebook Comments