Senador Manny Pacquiao, nagsampa ng 100-M libel at cyber libel laban Kay Pastor Apollo Quiboloy

1785

Pormal nang sinampahan ni Senador Manny Pacquiao ng 100-M libel at cyber libel si Pastor Apollo Quiboloy, ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ sa Makati Prosecutor’s Office dahil sa pagpapakalat nito ng fake news.

Nag-ugat ang kaso sa mga ipinahayag ni Quiboloy sa kaniyang TV program at social media post na si Pacquiao ang nagpasimula ng hindi na natapos na Saranggani Sports Training Center na nagkakahalaga ng P3.5-B.


Sa kaniyang 13 na pahinang reklamo, sinabi ng senador na bata pa siya noong 1996 kung kailan sinimulan ang proyekto.

Humihingi si Pacquiao ng 100-M na danyos dahil ginamit umano ni Quiboloy ang kaniyang kapangyarihan at impluwensya para magpalaganap ng kasinungalingan.

Isa aniya itong pag-brainwash sa publiko at binahiran ang matapat na tagapaglingkod niya sa bayan.

Facebook Comments