Senador, nababahala sa mistulang pagkabuhay ng POGO sa bansa

Naalarma si Senator Risa Hontiveros sa mistulang pagkabuhay muli ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Hontiveros, muling dumarami ang mga kababayang nagrereklamo na nakakatanggap na naman sila ng text scams kumpara noong nakaraang taon.

Nababahala ang mambabatas dahil ang pagratsada muli ng mga ganitong scam ay indikasyon na nakakita na naman ng paraan at matatag na sandigan ang mga POGO para maipagpatuloy ang kanilang mga iligal na gawain.

Nangangamba si Hontiveros dahil may mga Pilipino na namang nabibiktima ng human trafficking dahil sa bagong modus ng mga POGO na nagpapanggap kunwari na travel ads sa simula at kapag na-recruit ang biktima ay doon malalaman na scam operations pala ang kanilang pinasok.

Sa tingin pa ni Hontiveros, nasa bansa pa rin ang mga POGO boss dahil hindi naman matapang na mamamayagpag ang mga ito kung walang protektor na taga-gobyerno.

Facebook Comments