Senador, nagpasalamat sa suporta ni PBBM laban sa nilalaman ng kontrobersyal na Senate Bill 1979

Nagpasalamat si Senator Joel Villanueva sa suporta ni Pangulong Bongbong Marcos laban sa aniya’y makabudol na Senate Bill No. 1979 o ang Preventing Adolescent Pregnancy Bill kung saan nakapaloob ang kontrobersyal na Mandatory Comprehensive Sexuality Education.

Ikinatuwa ni Villanueva na hindi nabalewala ang panawagan niya at ng maraming mga magulang dahil nakarating sa Pangulo ang mariin nilang pagtutol sa panukala.

Iginiit ni Villanueva na bagama’t may pangangailangan na tugunan ang problema sa tumataas na kaso ng adolescent pregnancy ss bansa, hindi dapat ipangsangkalan dito ang kainosentehan at kapakanan ng mga kabataan.


Ipinaalala ng mambabatas na batay sa Konstitusyon, ang mga magulang ay dapat na gumaganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang kanilang mga anak at hindi ito dapat kunin sa kanila.

Umaapela rin si Villanueva sa mga kasamahang mambabatas sa Senado at Kamara na maging mapagbantay at huwag magpapabudol sa panukala.

Facebook Comments