
Umapela si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa House Tri-Committee na ipatawag din sa kanilang imbestigasyon ang mga vlogger na supporter ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Dela Rosa, kung talagang nais ng tri-committee na mabigyang solusyon ang fake news at iba pang isyu ay dapat na maimbitahan din sa pagdinig ang mga pro-administration social media influencers at vloggers at hindi lamang nakasentro sa mga DDS o Diehard Duterte Supporter vlogger.
Punto ng senador, kung hindi ito panggigipit sa mga vlogger na kritikal sa pamahalaan ay dapat mapatawag at makwestyon sa imbestigasyon ang ibang mga vlogger at hindi lang ang mga DDS.
Sinabi ni Dela Rosa na kung ito ay “in aid of legislation” para matugunan ang paglaganap ng fake news ay dapat walang halong pulitika sa pag-iimbestiga ng House Tri-Committee at huwag lang i-target ang mga DDS vlogger.
Una nito ay pina-subpoena ng tri-com ang 11 DDS vlogger dahil sa hindi nila pagdalo sa pagdinig sa Kamara.