Senador Pacquiao ikinonsulta kay Pangulong Duterte ang isusulong na speaker ng PDP Laban, pangulo wala pang desisyon sa ngayon

1963

Kumonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao patungkol sa labanan ng Speakership sa Kamara sa General Santos City.

Ayon kay Senator Elect Bong Go, kinausap ni Senador Pacquiao si Pangulong Duterte para isangguni dito kung sino ang isusulong na speaker ng PDP Laban na partido ng pangulo.


Pero sinabi ni Go na wala paring tugon dito ang Pangulo pero nangako naman aniya ito na magkakaroon ng desisyon o sagot sa mga susunod na araw.

Kinumpirma din naman ni Go na ang mga pinagpipilian ng PDP laban na isabaknsa speakership ay sina Cong Lourd Allan Velasco, Cong-elect at dati na ring House Speaker Pantaleon  Alvarez at Cong. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Facebook Comments

From Advertisers