Senador, pinabulaanan na may lumapit sa kanya para sumama sa kudeta laban kay SP Tito Sotto

Nilinaw ni Senator Lito Lapid na walang lumapit sa kanya para himukin siyang makiisa sa tangkang kudeta sa liderato ni Senate President Tito Sotto III.

Ayon kay Lapid, noon pa ay buo na ang kanyang suporta kay Sotto na matagal niya nang nakasama sa Senado mula 2004, taliwas ito sa kumakalat sa social media na isa siya sa mga kasapi ng majority bloc na nilapitan para kumalas sa grupo at sumali sa balak na pagpapatalsik kay Sotto sa pwesto.

Sinabi ni Lapid na kung sino ang nagugustuhan ng mayorya ng mga senador ay doon siya papanig.

Samantala, kung si Lapid din ang tatanungin, mas nais niyang manatili si Senate President pro-tempore Ping Lacson bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee lalo’t batid naman na eksperto ito sa pagiimbestiga dahil isang dating pulis at dating Philippine National Police (PNP) Chief katulad nina Senator Bato dela Rosa at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sa kabilang banda, kung talagang ayaw na ni Lacson ay iginagalang naman niya ang desisyon ng kaibigang senador.

Facebook Comments