Senador, pinag-iingat ang publiko sa banta ng dengue outbreak

Pinag-iingat ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang publiko sa banta ng dengue outbreak sa ilang mga lugar sa bansa.

Apela ni Go sa publiko na manatiling vigilant at mag-ingat laban sa naturang mosquito-borne disease.

Babala ng mambabatas, isang seryosong banta sa kalusugan ang dengue lalo sa mga kabataan kaya naman kailangang magdoble ingat at siguraduhin na sumusunod tayo sa tamang hakbang para maiwasan ang dengue.


Pinaalalahanan ng senador ang publiko na agad magpatingin oras na magkaroon ng sintomas ng sakit at sumunod sa 4S strategy ng Department of Health (DOH):
– Searching and destroying mosquito breeding sites;
– Self-protection measure;
– Seeking medical consultation at
– supporting fogging o spraying activities

Hinimok din ng senador ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang information campaign at tiyakin na ang mga hospital at healthcare facilities sa kanilang lugar ay may sapat na kakayanan para gamutin ang mga pasyenteng may dengue.

Facebook Comments