
Kinatigan ni Senator Sherwin Gatchalian ang posisyon ni Senate President Chiz Escudero sa pagdaraos ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinuportahan ni Gatchalian ang katwiran ni Escudero na dapat ay nasa sesyon ang Kongreso para pormal na maabisuhan ang mga senador na isinumite na ang articles of impeachment laban kay Duterte.
Pero sa nangyari ay sa huling araw at ilang oras na lang ay magsasara na ang sesyon at saka isinumite ang verified complaint ng impeachment.
Mayroon aniyang precedent na dapat sundin tulad sa mga impeachment proceedings na ginawa kina dating Pangulong Joseph Estrada, dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Maliban pa rito ay suportado rin ni Gatchalian ang timetable ni Escudero kung saan July 30 pa pormal na sisimulan ang paglilitis kay VP Sara.