Senador, tiwalang kayang depensahan ni FPRRD ang sarili laban sa kasong isinampa ng PNP-CIDG

Tiwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kayang depensahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili mula sa mga kasong kriminal na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Kaugnay pa rin ito sa binitawang “kill joke” laban sa mga nakaupong senador para makapasok sa Senado ang senatorial slate ng PDP-LABAN.

Ayon kay Dela Rosa, kayang-kaya ni Duterte na harapin ang kaso sakaling umusad sa prosekusyon.


Minaliit din ng senador ang ginawang biro ng dating pangulo at tinawag itong non-issue o hindi naman isyu.

Nauna na ring nagtaka ang mambabatas na naghain ng kaso ang PNP-CIDG sa kabila ng kawalan naman ng complainant sa naturang “kill joke” ni Duterte.

Facebook Comments