Senador, umaasang matatapos agad ang proseso ng pagpapalit ng mga cabinet secretaries

Umaasa si Senator Nancy Binay na mabilis na matatapos ang proseso ng pagpapalit ng cabinet secretaries matapos hilingin ni Pangulong Bongbong Marcos ang courtesy resignation ng mga nasa gabinete.

Nag-aalala si Binay na kung matatagalan ang pagtatalaga ng mga ipapalit na heads sa bawat ahensya ay tiyak na magkakaroon ng delay sa implementasyon ng mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Sinabi ni Binay na sana ay mayroong kapalit na agad sa mga cabinet members bago pa man hiniling ni PBBM ang pagbibitiw ng mga ito.

Sa kabilang banda ay iginagalang ng senador ang kagustuhan ng Pangulo na hingian ng courtesy resignation ang kanyang mga gabinete dahil nagsisilbi ang mga ito ayon sa kagustuhan ng Pangulo.

Facebook Comments