Senate impeachment court, magpapatuloy ang paglilitis kahit hindi humarap si VP Sara

Tiniyak ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na magpapatuloy pa rin ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi siya humarap sa Senado.

Kaugnay na rin ito sa kawalang katiyakan pa kung personal na haharap sa impeachment trial ang bise presidente.

Ayon kay Escudero, sang-ayon sa Senate impeachment rules ay kailangang humarap sa impeachment court ng nasasakdal na si VP Sara.

Gayunman, karapatan pa rin ni VP Duterte kung sakaling ayaw niyang humarap sa kaniyang paglilitis at magpapatuloy pa rin ang trial kahit hindi humarap ang Pangalawang Pangulo.

Samantala, kagabi ay isinumite na ng kampo ni VP Sara ang Appearance ad cautelam ng 16 na abogadong magtatanggol sa bise sa impeachment trial kung saan mayorya rito ay galing sa Fortun Narvasa & Salazar Law Firm.

Facebook Comments