Senate President Tito Sotto III, umaasang madaragdagan pa ang mga opisyal na kakasuhan dahil sa PhilHealth anomaly

245

Umaasa si Senate President Tito Sotto III na madaragdagan pa ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na masasampahan ng kaso dahil sa umanoy iregularidad sa ahensiya.

Ayon kay Sotto, naniniwala siyang may mga opisyal pang madaragdag sa listahan ng kakasuhan sakaling matapos na ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

Una nang nagpahayag ng pagkadismaya si Sotto matapos na hindi makasama si Health Secretary Francisco Duque III at ilang PhilHealth officials sa inirekomendang kasuhan ng Task Force PhilHealth.

Matatandaang sa isinagawang mga pagdinig sa senado noong nakaraang buwan ay lumabas na liable si Duque sa malversation at graft kaugnay sa mga kwestiyunableng paglalabas ng pondo ng ahensiya sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism.

Facebook Comments