Senator Angara, nagpadala na rin ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa Bicol

57
COURTESY: Alagang Angara Twitter

Nagpahatid na ng relief goods si Senator Sonny Angara sa mga biktima ng kalamidad sa Albay, Bicol na magkasunod na hinagupit ng Bagyong Rolly at Ulysses.

Naisakatuparan ang relief operations ni Senator Angara sa Albay sa pamamagitan ng tulong ng tanggapan ni Albay Governor Francis Bichara, Bureau of Fire Protection, mga lady coast guards, at mga opisyal at kawani ng Local Government Units.


Kasabay nito, ay nagpaabot din si Senator Angara ng taos-pusong pasasalamat sa mga frontliner na nagsagawa ng rescue and relief efforts sa mga nai-stranded sa mga binahang komunidad dahil sa bagyo.

Bukod sa health workers ay pangunahing pinasalamatan ni Angara ang mga sundalo, pulis, mga coast guard at iba pang frontliners na buong tapang na lumusong sa baha at sumuong sa panganib para makapagligtas ng kapwa.

Facebook Comments