Senator Bong Go, muling iginiit na wala siyang balak tumakbo sa pagkapresidente

78

Muling iginiit ni Senator Bong Go na wala siyang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa nalalapit na eleksiyon sa susunod na taon.

Ito ay matapos na lumutang ang pangalan ng senador sa mga potensiyal na contenders para sa presidential elections.


Ayon kay Go, wag siyang isama sa usapang eleksiyon dahil mas importante aniya na malampasan muna ngayon ng bansa ang kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Una nang sinabi ni Go na magsisilbi na lamang siyang campaign manager ng sinumang personalidad na mapipili upang ipagpatuloy ang sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments