Senator Cynthia Villar, isinuko na ang hangarin na maging pangulo ng Senado

213

Umatras na si Senator Cynthia Villar sa Senate presidency race.

Sabi ni Villar, hindi na siya intresado sa posisyon bilang pangulo ng mataas na kapulungan dahil mas gusto rin niya ang simpleng buhay.

Ayon kay Villar, ang kaniyang pasya ay sinabi na niya kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.


Tiniyak ni Villar ang kaniyang suporta sa magiging liderato ni Zubiri sa Senado.

Facebook Comments