Senator Ejercito, walang nakikitang sapat na rason para sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte

35

Manila, Philippines – Walang nakikitang sapat na rason si Senator JV Ejercito para ipa-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Reaksyon ito ni Ejercito makaraang maghain ng impeachment case kaninang umaga laban sa Pangulo si Magdalo Representative Gary Alejano.

 

Para kay Ejercito, wala sa tamang panahon ang nasabing impeachment complaint.

 

Giit ni Ejercito, hindi tayo uusad dahil sa mga hakbang na ang layunin ay mapatalsik si Pangulong Duterte.

 

Magugunitang ang Magdalo Group ay naglatag ng hakbang para mapatalsik daitng Pangulong Gloria Arroyo.

 

Pero ayon kay Ejercito, iba ang sitwasyon noon dahil si Arroyo ay kwestyunable ang legitimacy ng panunungkulan habang si Pangulong Duterte ay binigyan ng mandatong mamuno ng sambayanang Pilipino.

Facebook Comments