Senator Gatchalian, mamimigay ng mga face shield at face mask at bibisita sa ilang paaralan at mga lugar kaugnay sa pagsisimula ng online classes

46

Kasabay ng pagbubukas ng online classes ngayong araw ay ilang paaralan at lugar sa Valenzuela City ang bibisitahin ni Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Senator Sherwin Gatchalian.

Alas-9:00 ngayong umaga ay unang sisilipin ni Senator Gatchalian ang Valenzuela City School of Mathematics and Science sa Pablo St. Malinta.

Sunod na pupuntahan ni Senator Gatchalian ang ilang bahay sa bahagi ng Mariveles Street, Marcos Street at Orani Street na nasa Malinta din.

Bukod sa layuning alamin ang sitwasyon ng online classes ay plano din ni Senator Gatchalian ang mamigay ng face shield at face mask sa mga guro.

Nasa 3.5-milyong mga face masks at 600,000 mga face shields ang nakatakdang ipamahagi ni Senator Gatchalian iba’t ibang paaralan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga gurong nag-iikot sa mga bahay ng mga estudyante at namimigay ng self-learning modules sa harap ng panganib na hatid ng COVID 19.

Facebook Comments