Senator Gatchalian, walang tiwala sa kakayahan ng gobyerno na pamahalaan ng maayos ang Hanjin

Manila, Philippines – Kontra si Senator Sherwin Gatchalian sa isinusulong na pag-take over ng pamahalaan sa operasyon ng kompanyang Hanjin na nadeklara ng pagkalugi.

Paliwanag ni Gatchalian, base sa kasaysayan ay palaging palpak ang paghawak ng pamahalaan sa negosyo.

Pangunahing inihalimbawa ni Gatchalian ang pamamahala ng gobyerno sa NAPOCOR, National Steel Corporation, at sa Metro Rail Transit o MRT.


Para kay Gatchalian, ang pinakamainam gawin ay humikayat ng matatag na shipbuilding company para saluhin ang Hanjin.

Kaugnay nito ay ipinaalala ni Gatchalian ang pagbibigay konsiderasyon sa pambansang seguridad sa pagpili ng kompanya na mamamahala sa Hanjin.

Facebook Comments