Senator Go, handang suportahan ang suspension ng online classes sa mga lugar na binagyo at binaha

86

Handang suportahan ni Senator Christopher Bong Go ang mga kahilingan na suspendihin ang online classes ng isa hanggang dalawang buwan partikular sa mga lugar na matinding sinalanta ng magkakasunod na bagyo at matinding pagbaha.

Sinabi ni Go na paano nga naman mag-aaral ang mga bata kung nawalan ng module o kaya ay mga gadget na ginagamit sa kanilang distance learning.


Ayon kay Go, kailangan mag-adjust sa sitwasyon ng mga mag-aaral lalo na at wala pa namang bakuna laban sa COVID-19.

Kaugnay nito ay umapela si Go sa Department of Education (DepEd) na pasyalan ang Marikina at iba pang lugar na binaha para makita ang sitwasyon ng mga estudyante.

Binigyang-diin ni Go na importanteng hindi masayang ang School Year (SY) ng mga bata pero mas mahalaga ang kanilang kapakanan.

Facebook Comments