Senator Go, umapelang ihinto na pork holiday para sa kapakanan ng mga ordinaryong mamimili

120

Nakikiusap si Senator Christopher “Bong” Go na ihinto na ang pork holiday dahil pahihirapan nito ang mga ordinaryong mamimili lalo na ang mga maralita.

Giit ni Go, makabubuting sundin na lang ang Executive Order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos ng dalawang buwang price ceiling sa karne ng baboy at manok.


Diin ni Go, ang lahat ay pinag-aaralan at binabalanse ng gobyerno.

Kasabay nito ay umaapela rin si Go sa Department of Agriculture (DA) na kung maaari ay i-subsidize ang transportasyon sa pagbyahe ng mga baboy at manok patungong sa Metro Manila.

Facebook Comments