Senator Gordon, tinapatan muli ang mga walang patid na banat ni Pangulong Duterte

Bully, hindi karespe-respeto at boring umano si Pangulong Rodrigo Duterte na ang kaya lang ipagtanggol ay ang mga dayuhan partikular ang mga Chinese na nagnenegoyso at nakikinabang sa pera ng bayan na pantugon sa pandemya.

Ito ang ganti ni Senator Richard Gordon sa patuloy na pagbanat sa kaniya ni Pangulong Duterte kung saan dinamay na rin ang pinamumunuan niyang Philippine Red Cross (PRC).

Hamon ni Gordon sa pangulo, ipagtanggol din nito dapat ang mga Pilipinong kompanya at gawin ang trabaho para matugunan ang dumaraming namamatay sa COVID-19 at tumataas na bilang ng mga walang trabaho.


Giit ni Gordon, hindi siya duwag at hindi siya natatakot sa anumang pinakamasamang pwedeng gawin sa kaniya ng pangulo.

Facebook Comments