Senator Hontiveros, dumipensa sa pagbasa sa text message ni Sec. Aguirre

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Risa Hontiveros na hindi niya nilabag ang right to privacy ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre at anti wiretapping law.

Paliwanag ni Hontiveros, hindi niya intensyon at pinlano na mabasa ang mga text messages ni Sec Aguirre kung saan nabuking na may niluluto umano itong kaso laban sa kanya.

Hindi naman aniya sinasadya na mahagip ng camera ang screen ng cellphone ni Sec. Aguirre habang dumadalo ito sa isang pagdinig sa Senado.


Diin ni Hontiveros, wala ng hihigit pa sa pagiging indecent at unethical ng ginagawa ni Aguirre na pagluluto ng kaso laban sa kanya at sa iba pang mga taga-oposisyon.

Giit ni Hontiveros, pilit na nagpapalusot ngayon si Aguirre sa sa halip na magpaliwanag at sagutin ang mga isyung ibinabato dito.

Facebook Comments