Senator Hontiveros, may babala kaugnay sa planong pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant

1062

Ibinabala ni Senator Risa Hontiveros ang posibleng panganib sa kalusugan at sa kalikasan na maaring idulot kapag binuhay ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Umaasa si Hontiveros na isasantabi ang pagkonsiderang paganahin ang BNPP lalo na ngayong may krisis dahil sa pandemya at marami ang nagugutom at nagkakasakit.

Giit ni Hontiveros, makabubuting pagtuunan ng pansin ang mas ligtas, mas mura at mas pangmatagalang renewable energy source gaya ng geothermal, solar at wind na mas mayaman dito sa Pilipinas.

Facebook Comments