Senator Imee Marcos, nagpasalamat sa mamamayang Pilipino

170

Sa pamamagitan ng isang video sa kanyang Facebook page ay ipinaabot ni Senator Imee Marcos sa mamamayang Pilipino ang pasasalamat ng kaniyang pamilya, mula sa kanyang ina, kapatid na si Irene at dating Senator Bongbong na siyang nanguna sa partial/unofficial counting ng boto para sa pagkapangulo.

Napasalamat din ang senadora sa 80.7 million views ng ginawa nilang ‘Len-len Series’ sa social media na pinaniniwalaang nakatulong din sa kampanya ni dating Senator Marcos.

Diin ni Senator Imee, higit pa rito na pinakaepektibong nakatulong sa tagumpay ng kapatid ang legasiya ng kanilang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Para kay Senator Imee, ang 30 million mahigit na boto na nakuha ng kanyang kapatid ay tunay na tagumpay at paalala na hindi nagmamaliw ang pagsuporta at pagmamahal sa kanilang pamilya.

Giit ni Senator Imee, ipinapakita nito na mula noon hanggang ngayon ay Marcos pa rin.

Facebook Comments