Senator Joel Villanueva, personal na inendorso ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez

97

Ikinatuwa ni Senator Joel Villanueva ang personal na pag-endorso sa kaniya ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez makaraang dumalaw ang senador sa naturang lungsod.

Ayon kay Senador Villanueva, malaking tulong ang pag-endorso sa kaniya ni Mayor Olivarez dahil kilala ang Parañaque City government na pang world class city dahil sa mga magagandang proyekto at programa ng lungsod na kayang tapatan ang mga mauunlad na bansa sa buong mundo.

Paliwanag ni Villanueva, isang malaking karangalan at nakatataba ng puso ang ginawang pag-eendorso sa kaniya ng alkalde.


Sinabi naman ni Olivarez na kaya niya inendorso si Senador Villanueva dahil nakita nito ang sinseridad sa kaniyang trabaho at tunay na nagmamahal sa mamamayang Pilipino.

Hindi umano matatawaran ang mga batas na kaniyang ginawa na ngayon ay napapakinabangan na ng publiko lalo na sa usapin sa trabaho.

Giit naman ni Villanueva na hindi nito bibiguin ang sambayanang Pilipino sakaling papalarin muli at mahalal bilang nagbabalik na senador.



Una rito, kabilang sa 11 senador si Villanueva na inendorso ng Lacson-Sotto tandem na pinagkakatiwalaan ng mga beteranong senador.

Facebook Comments