Senator Koko Pimentel, ipinagtanggol si Sen. Pacquiao sa mga paratang ng pamumulitika

610

Dumipensa si Senator Koko Pimentel sa akusasyon ni National Transmission Corporation (TransCo) President Atty. Melvin Matibag na namumulitika lamang si Senator Manny Pacquiao sa naging pagdinig kahapon.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Pimentel na ibang usapan na ang isyu ng PDP-Laban sa pagkwestiyon sa legalidad ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) bilang market operator ng Wholesale Electricity Spot Market.

Ayon kay Pimentel, malinaw naman na ang tinatanong lamang ni pacquiao ay ang paglilipat ng assets sa EIMOP kahit na aabot lamang sa P7,000 ang kapital nito.


Kahapon, pinatanggal ni Sen. Sherwin Gatchalian si Matibag sa ginanap na virtual hearing ng senado makaraang magtaas ng boses at akusahan na namumulitika lang si Pacquiao.

Sina Pacquiao at Pimentel ay nasa kabilang paksyon ng PDP-Laban na nag-aakusa kina Energy Secretary Alfonso Cusi at Matibag na nang-hi-jack sa partido.

Facebook Comments