Senator Koko Pimentel, nahaharap sa kaso matapos bumisita sa MMC sa kabila ng kaniyang pagiging PUI

87

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events si Senator Aquilino “Koko” Pimentel.

Ito ay matapos siyang bumisita sa Makati Medical Center kasama ang kaniyang asawa sa kabila ng kaniyang pagiging Person’s Under Investigation (PUI).


Ayon kay Atty. Rico Quicho na siyang naghain ng kaso, inilagay ni Pimentel sa peligro ang publiko lalo na ang health workers sa MMC na nag-asikaso sa kanilang mag-asawa.

Bagama’t inamin naman nito ang kaniyang pagkakamali, sinabi ni Quicho na maituturing pa rin itong paglabag sa batas.

Dapat din, aniyang, patuloy na kumilos ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabigyan ng legal action si Pimentel.

Facebook Comments