Senator Lacson, hindi totoong umatras na sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections

339

Mariing itinanggi ni Partido Reporma Spokesperson Ashley Acedillo na umatras na si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa kandidatura sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ang totoo, ayon kay Acedillo ay nasa full speed at nangunguna ang tandem ni Lacson at Senate President Tito Sotto III para sa darating na halalan.


Sa tingin ni Acedillo, ang nabanggit na fake news ay bahagi ng misinformation campaign habang papalapit ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay Acedillo, ilang araw na lang bago ang filing ng COC pero marami pa ring kandidato ang desperado dahil kulang sila sa paghahanda, at hindi pa sigurado sa kanilang magiging hakbang.

Facebook Comments