Senator Lacson, kumbinsidong walang direktang ebidensyang magdadawit kay PNP Chief Albayalde sa drug recycling

Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson ay walang direktang ebidensya na nagdadawit kay Philippine National Police o PNP Chief General Oscar Albayalde sa recyling ng ilegal na droga.

Pahayag ito ni Lacson sa gitna ng mainit na isyu ng pagkakasangkot ng mga tauhan ni Albayalde sa kaso ng drug recycling noong November 2013 kung saan siya ang Provincial Director ng PNP sa Pampanga.

Kahit circumstantial evidence, ay wala ring nakikita si Lacson laban kay Albayalde.


Sabi ni Lacson, pwedeng masangkot si Albayalde sa tangkang cover up o pagtatakip sa mga pulis na sangkot pero mahina at hindi pa rin sapat ang ebidensya kaugnay nito laban sa kanya.

Facebook Comments