Senator Lacson, naghihiganti kay House Speaker Arroyo?

33

 

Mariing itinanggi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang akusasyon ni Congressman Anthony Bravo.

 

Ayon kay Bravo, hino-hostage ni Lacson ang 2019 budget bilang paghihiganti kay House Speaker Gloria Arroyo.

 

Diin ni Lacson, siya ay mapagpatawad at lahat ng may ginawang mali sa kanya ay pinatawad na niya.

 

Paliwanag niya, ang kanyang krusada laban sa Pork Barrel System ay hindi patungkol kay Arroyo o sa kahit na sinong senador at kongresista.

 

Dagdag ni Lacson, ang ipinaglalaban niya ay kapakanan ng ating pambansang budget na siyang bumubuhay sa ating bansa.

Facebook Comments