Senator Lacson, pinalagan ang akusasyong nasuhulan ang mga CA members na komontra sa kimpirmasyon ni Secretary Lopez

33

Manila, Philippines – Pinalagan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “money lobby talks” kaya hindi lumusot sa Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni DENR Secretary Gina Lopez.

Giit ni Lacson, hindi sya saklaw ng nasabing komento ng Pangulo dahil nailahad na niya ang kanyang mga dahilan kaya ang naging boto niya ay kontra sa kumpirmasyon ni Secretary Lopez.

Gayunpaman, binigyang diin ni Lacson na hindi nararapat ang nasabing pahayag ng Pangulo laban sa mga CA members na komontra sa pagiging DENR Secretary ni Lopez.

Paliwanag ni Lacson, ang nabanggit na komento ni president Duterte ay hindi lang bahid sa integridad ng CA members, kundi sa Commission on Appointments mismo bilang isang independent constitutional body.

DZXL558

Facebook Comments