Senator Lacson, sinagot ang mga puna sa kanya ni Pangulong Duterte

2844

Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson ay exaggerated ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na palagi syang may komento sa bawat isyu.

 

Paglilinaw ni Lacson, bukod sa kanyang mga twitter posts ay nagsasalita lang sya kapag tinatanong dahil kung hindi ay dedma lang sya sa mga usapin na hindi sya pamilyar.


 

Sinagot din ni Lacson ang sinabi ng Pangulo na ignorante sya sa kanyang mga krusada.

 

Paliwanag ni Lacson, bagama’t hindi siya abogado, ay marunong naman syang magbasa at umunawa ng batas at may mga lawyer-staff din siya.

 

Giit ni Lacson, pareho sila ni Pangulong Duterte na lumalaban sa korapsyon kaya kung hindi sila nagkakasundo ay malamang mayroong problema.

 

Tiniyak ni Lacson na wala din syang alam sa sinasabi ni Pangulong Duterte na plano niyang tumakbong Presidente.

Facebook Comments

From Advertisers