Senator Leila de Lima, naibalik na sa PNP Custodial Center matapos ang dalawang araw sa ospital

131

Nakabalik na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Senator Leila de Lima matapos ang dalawang araw na routine medical checkup sa Manila Doctor’s Hospital sa Maynila nitong Martes hanggang kahapon.

Wala pang inilalabas na medical bulletin ang tanggapan ni De Lima dahil hihintayin pa ang resulta ng mga pagsusuri rito.

Si De Lima ay pansamantalang nakalabas ng kulungan makaraang katigan ni Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256, ang hiling nito na medical furlough bilang health at humanitarian reasons.


Alinsunod ito sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor na regular na magpa-checkup para matiyak na maayos ang kondisyon ng kalusugan nito at walang seryosong karamdaman matapos makitaan ng liver mass noong 2018.

Facebook Comments