Senator Leila de Lima, pinayagan ng Muntinlupa RTC na makabahagi sa online memorial service para kay dating DSWD Secretary Dinky Soliman

70

Pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court 256 si Senator Leila de Lima na makabahagi sa online memorial service para kay dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Sa desisyon na nilagdaan ni Judge Romeo Buenaventura, pinagbigyan ng hukuman ang very urgent motion for e-furlough na inihain ng kampo ng senadora.


Ikinunsidera ng hukuman ang pagiging malapit na magkaibigan nina De Lima at Soliman na parehong naglingkod sa Aquino administration.

Si De Lima ay nakapiit sa Kampo Krame at siya ay makikibahagi sa Zoom memorial service para kay Soliman na gagawin mamayang alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.

Mahigpit naman pinagbabawalan ng hukuman na magbigay ng anumang panayam sa mga miyembro ng media sa pamamagitan ng panayam sa telepono o anumang uri ng komunikasyon.

Facebook Comments